Balita

House to house testing sa granular lockdown areas

- Beth Camia

Tiniyak ng Malacañang na todo bantay ang pamahalaan sa iba’t ibang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, ito ay sa harap na rin ng gagawin nang pagbabahay-bahay ng mga taga Department of Health at mga nasa barangay upang matukoy ang mga mayroon ng sintomas ng virus.

“Mahalaga na agad na maisolate ang mga may sintomas bilang paraan na din upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus,” wika ni Roque.

Target ng pamahalaan na makapagsag­awa ng 100 test kada araw gamit na rin ang antigen test.

Inihayag ni Roque na ito ang kanilang gagamiting test para sa mga masusuyod ng ikakasang pagbabahay-bahay sa ilalim ng Coordinate­d Operations to Defeat Epidemic.

Nasa 500,000 antigen test kits ang nabili para magdadagda­g sa RT-PCR o swab test.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines