Balita

Trapik, sa unang araw ng ECQ

- Jun Fabon, Bella Gamotea at Mary Ann Santiago

Mabigat na trapiko at napakahaba­ng pila ang sinuong ng mga motorista bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) na naging epektibo simula kahapon NCR+ na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Sa itinalagan­g 1,106 checkpoint­s ng Philippine National Police, hinanapan ang mga motorista ng company ID, certificat­e of employment, business permit at ibang dokumento na nagpatunay na sila’y mga authorized persons outside residents (APOR) at mahalaga ang biyahe.

Habang ang mga motorista na walang maipakita na mahalagang dokumento ay pinagbawal­ang makadaan sa checkpoint­s sa mga boundary.

Sa isang linggo o higit pa, nasa 1,000 quarantine control points (QCPs) ang Metro Manila at karatig mga lalawigan ay inilagay na sa ECQ, nabatid sa PNP kamakalawa

Anila, ang 1,106 checkpoint­s at 9,356 law enforcers ay nakapuwest­o na

mula 6:00 ng gabi ng Linggo sa mga lugar sa estriktong lockdown at nagsimula bandang 12:02 ng madaling araw ng Lunes ang ipinatupad na ECQ.

Iniulat din ng PNP na ang mga public transport ay exempted sa ‘curfew’ sa ilalim ng ECQ sa NCR Plus nitong Linggo.

Pasahero sa internatio­nal

flights, patatawiri­n Nilinaw ng Department of Transporta­tion (DOTr) na pinapayaga­n ng pamahalaan ang mga biyahero mula sa labas ng “NCR Plus” na makapasok sa bubble kung ang mga ito ay mayroong internatio­nal flights sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA).

“If they (travelers) have outgoing flights, they will be allowed to travel under the guidelines,” ayon kay Transporta­tion Undersecre­tary Artemio Tuazon, sa Laging Handa public briefing kahapon.

“They will be allowed to enter NCR Plus to take the flight out of NCR or NAIA for that matter,” aniya pa.

Sapat ang supply

Hindi dapat mabahala ang mga residente sa ECQ areas dahil sapat ang suplay sa mga pangunahin­g bilihin, tiniyak ng Department on Trade and Industry (DTI)

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi dapat mag-panic buying ang mga tao dahil sapat ang mga suplay ng bilihin.

Aniya, noong unang pagkakatao­n nang ipatupad ang ECQ ay hindi mnagkulang at mas sapat ang nasabing suplay ng mga bilihin.

Q pass sa Pasay Iminungkah­i kahapon ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa 201 Barangays ng lungsod na ipatupad ang paggamit ng Quarantine Pass.

Aniya ang Q pass para sa bawat isang bahay ay gagamitin sa pagpasok sa pamilihang bayan o public market, supermarke­t, drug store at iba pang katulad na establisim­iyento para sa pagbili ng mahahalaga­ng kalakal gaya ng pagkain at gamot.

Kamakalawa unang nagpulong ang mga Barangay Chairman ng Pasay na dinaluhan nina Mayor Emi , Liga ng mga Barangay President Councilor Julie Gonzales at DILG Pasay City Director Gloria Aguhar.

Voter registrati­on suspendido Sinuspinde muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng voter registrati­on sa mga lugar na sakop ng ‘NCR Plus,’ kasunod na rin nang pagsisimul­a na nang pag-iral na ng panibagong enhanced community quarantine (ECQ) sa mga naturang lugar nitong Lunes.

Sa isang kalatas, sinabi ni Comelec spokespers­on James Jimenez na suspendido muna ang trabaho sa mga tanggapan ng Comelec na nasa loob ng NCR Plus bubble mula Marso 29 hanggang 31.

Dahil dito, suspendido rin ang paghahain at pagtanggap ng mga aplikasyon para sa voter registrati­on at iba pang registrati­on services.

“In view of the recently imposed Enhanced Community Quarantine (ECQ) in the National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal or NCR Plus, all offices of the Commission on Elections in these areas will be temporaril­y closed to the public,” bahagi ng kalatas.

“Within NCR Plus, voter registrati­on in the Offices of the Election Officer (OEOs) and the Office for Overseas Voting (OFOV) will be suspended from March 29 to 31, 2021. During the same period, the issuance of voter’s certificat­ion in the OEOs and the Comelec main office in Intramuros will likewise suspended,” anito pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines