Balita

‘4-WEEKS DAPAT’

1-linggong ECQ ‘di sapat para COVID-19 cases bumaba ng 25%

- Ni NOREEN JAZUL

Sinabi ng isang dalubhasa sa medisina mula sa Philippine General Hospital (PGH) na ang isang linggong pagpapatup­ad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus ay hindi magiging “makatotoha­nang” sapat upang mabawasan ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ng 25 porsyento.

Sinabi ni Dr. Jonas del Rosario, tagapagsal­ita ng PGH, na ang ECQ ay dapat gawin kahit dalawang linggo o kahit na pahabain ito sa apat na linggo para makamit ng gobyerno ang target na pagbawas sa kaso.

“I’m hoping that [one week] is enough, but realistica­lly, if you look at the numbers, I don’t think it’s enough,” sinabi niya sa CNN Philippine­s nitong Lunes.

Gayunman, sinabi ng doktor na nauunawaan niyan kung saan nanggagali­ng ang pamahalaan.

“I think we have to play it by ear. You cannot just totally lockdown or impose ECQ considerin­g the economic effects to our mga kababayan,” aniya.

Sinabi ng Malacanang nitong Linggo, na inaasahan nito na mababawasa­n ng ang ECQ ang bilang ng COVID cases sa bansa ng mahigit 25 porsiyento.

“I think the expectatio­n is mas malaki pa po sa (it will be more than) 25 percent because this is ECQ,” sinabi ni Presidenti­al spokesman Harry Roque sa isang press briefing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines