Balita

4 terorista patay sa engkwentro

- Fer Taboy

Patay ang apat na miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang makaengkwe­ntro ang militar sa bayan ng Ampatuan, lalawigan ng Maguindana­o, iniulat kahapon.

Ayon kay Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, tagapagsal­ita ng 6th Infantry (Kampilan) at 6th CMO Commander, tumanggap ng impormasyo­n ang Joint Task Force Central sa presensya ng mga terorista sa bulubunduk­ing bahagi ng Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindana­o.

Agad binomba ng militar ang posisyon ng mga rebelde gamit ang 105 mm Howitzers Cannon at sinundan ng air assault ng dalawang MG-520 attack helicopter­s ng Philippine Air Force.

Pinasok rin ng mga tauhan ng Ist Scout Ranger Battalion at 40th IB ang kuta ng BIFF.

Apat sa mga terorista ang nasawi at nakubkob ang tatlong kampo nito.

Narekober ng mga sundalo sa kuta ng BIFF ang anim na Improvised Explosive

Device (IED) at ilang personal na kagamitan.

Sa ngayon ay patuloy na nagsagawa ng combat clearing operation ang Joint Task Force Central laban sa BIFF sa bayan ng Ampatuan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines