Balita

Janitor hinatak palabas ng bahay, itinumba

- Jun Fabon

Siniyasat na ng QCPD-Criminal Investigat­ion and DetectionU­nit (CIDU) ang malupit na kamatayan ng isang janitoe sa Quezon City na pinasok sa bahay, hinatak palabas at pinagbabar­il hanggang namatay.

Sa report kahapon ng hepe ng

CIDU na si PLt. Col. Elmer Monsalve, kinilala ang biktima na si Kerzie Gubat Sacramento, 26-anyos, binata, at nakatira sa Barangay Batasan, Quezon City. Si Sacramento ay hindi na umabot nang buhay sa ospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumilitaw na dakong 7:30 ng gabi kamakalawa, hinatak ang biktima ng naka-bonnet na gunman at walang awang pinagbabar­il sa harapan ng kanyang bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines