Balita

Pasig River Ferry, walang biyahe sa Abril 1-4

- Bella Gamotea

Pansamanta­lang ititigil ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) ngayong Semana Santa, mula Abril 1 ( Huwebes Santo) hanggang Abril 4 (Linggo ng Pagkabuhay).

Sa inilabas na abiso ng Metropolit­an Manila Developmen­t

Authority (MMDA), babalik sa normal na operasyon ang PRFS sa Abril 5, Lunes.

Samantala, habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila, magpapatup­ad ang ferry service ng 50 porsiyento­ng kapasidad lamang.

Ang lahat ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay pinapayaga­ng sumakay sa PRFS basta magpakita lamang ng identifica­tion card (ID).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines