MPTC pinaigting ang operasyon para sa Holy Week
Tiniyak kahapon ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na patuloy ang pagpapabuti ng lahat ng kanilang serbisyo sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, C5 LINK, at CALAX kasabay ng implementasyon ng kanyang “Safe Trip Mo Sagot Ko” motorist assistance program ngayong Semana Santa.
“MPTC expressways are open 24/7 to ensure the unhampered movement of goods and the transit of people on essential travels,” sabi ni MPTC President at CEO Rodrigo E. Franco.
Ipaiiral ang SMSK simula Marso 28 hanggang Abril 5.
Naka-heightened alert ang Traffic Operations teams ng MPTC sa mga toll plaza at interchange.
Sa NLEX-SCTEX, nasa 1,000 patrol crews, traffic marshals, toll collection personnel, at security teams ang nakatalaga para sa pagmamando ng trapiko,magbigay ng agarang assistance, at matutukan ang kaligtasan at seguridad ng mga motorista.
Ipakakalat din ang NLEX-SCTEX personnel sa lahat ng rest at refuel areas sa expressways upang umayuda sa mga motorista.
Mula Marso 28 hangganv Abril 5, ang CAVITEX Customer Service Centers (Manila bound and Cavite bound), C-5 Link Flyover Customer Service Station (Merville service road), at CALAX Greenfield (Mamplasan Exit) Customer Service Station ay bukas ng 24/7 para sa concerns ng motorista gayundin ang Easytrip RFID installation at reloading. Gayun din ang Emergency medical services (EMS) ay nasa on-site 24/7 sa nasabing petsa.
Bilang karagdagang serbisyo para sa mga bumabagtas sa MPTC expressways, may free 24-hour towing sa pinakamalapit na exit para sa Class 1 vehicles na maaaring makuha simula Marso 31 ng 6:00 ng umaga hanggang Abril 5 ng 6:00 ng umaga.
Ipapaskil ang sitwasyon ng trapiko sa social media accounts ng kumpanya habang ang 24/7 Hotlines (NLEX-SCTEX, CALAX:1-35000; CAVITEX: 165-8888) ay handang tumugon sa karaingan ng kanilang mga kustomer.