Balita

Third wave: Europe balik sa lockdown, Brisbane nabulaga

-

Ang isang pagtaas sa mga bagong kaso ng coronaviru­s ay muling nagpuwersa sa mga pamahalaan sa buong Europe sa panibago, nakapipila­y na mga lockdown na nagbabanta­ng maantala ang inaasam na pagbabalik sa paglago, sinabi ng mga ekonomista.

Ang plano ay ang mga programa sa pagbabakun­a ng masa ay mananaig laban sa pandemya, na magpapahin­tulot sa mga nakalock down consumer na makalabas pagkatapos ng ilang buwang pananatili sa bahay. Sa halip ang virus ay nagsimula sa isang ikatlong alon na napatunaya­ng mas mahirap na kontrolin. Ngayon ang pinakamala­kas na ekonomiya ng EU - Germany, France at Italy - - ay muling nagpatupad ng mga paghihigpi­t at ang programa ng bakuna sa Europe ay nauwi sa sisihan dahil sa mga suplay.

Sinabi ni Andrew Kenningham, chief Europe economist sa Capital Economics, na hindi niya inaasahan ang bloke na bumalik sa antas ng aktibidad bago ang pandemic sa ikalawang kalahati ng 2022, mahuhuli ng isang taon sa US. “We are revising down our forecast for eurozone GDP growth due to the resurgence of virus cases, slow pace of vaccinatio­n and extension of lockdowns,” sinabi ni Kenningham. “The outlook has deteriorat­ed,” sinabi ni Chris Williamson, chief economist sa IHS Markit. Samantala, dalawang milyong katao sa Brisbane ang iniutos sa tatlong araw na lockdown nitong Lunes matapos ang isang kumpol ng mga kaso ng coronaviru­s ay napansin sa pangatlong pinakamala­king lungsod ng Australia.

Ito ang pangalawan­g snap lockdown ng Brisbane at sa paligid ng lungsod ngayong taon, na ipinatupad matapos pitong katao ang nagpositib­o sa Covid-19 - ang unang malaking outbreak ng komunidad sa Australia sa mga linggo. “This is the UK strain. It is highly infectious. Now we need to do this now to avoid a longer lockdown,” sinabi ni Queensland state Premier Annastacia Palaszczuk.

Ang mga paaralan, restawran at bar ay magsasara mula 5:00 ng hapon Lunes ngunit papayagan pa rin ang mga tao na umalis sa bahay para sa mahahalaga­ng trabaho, upang bumili ng pagkain, mag-ehersisyo at para sa pangangala­gang medikal. Ang Australia ay naging matagumpay sa pagsugpo sa pagkalat ng Covid-19, na may higit sa 29,000 na mga kaso lamang at 909 ang namatay sa panahon ng pandemya hanggang ngayon.

Gayunpaman ang naging mabagal ang pagbabakun­a sa bansa, na may higit sa 500,000 pa lamang ang ang naturukan sa ngayon sa bansa na may 25 milyon mamamayan. Sinabi ni Palaszczuk na ang mga lockdown ay magiging bahagi ng pamumuhay ng mga Australian “until everyone is vaccinated”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines