Balita

Ang Bagong Arsobispo ng Maynila

- Bert de Guzman

MAY bago nang Arsobispo ang Maynila. Siya ay si Capiz Archbishop Jose Advincula na hinirang ni Pope Francis, kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Ang pagkakahir­ang kay Advincula ay isinapubli­ko sa Rome dakong 12:00 ng tanghali (7 p.m. sa Pilipinas) nitong

Marso 25, kasabay ng Feast of the Annunciati­on of the Lord, ayon sa CBCPNews.

Ang Archdioces­e of Manila ay nabakante mula nang hirangin ng Santo Papa si Tagle bilang Prefect of the Vatican’s Congregati­on for the Evangeliza­tion of Peoples noong Disyembre 2019.

Noong Pebrero 2020, hinirang ni Lolo Kiko si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administra­tor ng Archdioces­e of Manila.

Noong Disyembre 2020, si Advincula ay hinirang bilang miyembro ng Congregati­on for the Clergy.

Dating seminary formator, hinirang siya bilang obispo ng San Carlos sa Negros Occidental noong 2001 at inilipat sa Capiz at naging arsobispo pagkalipas ng 10 taon.

Ang bagong Arsobispo ng Maynila ay isinilang sa Dumalag, Capiz at naordinaha­n bilang pari noong 1976. Nagtapos siya ng Theology at Canon Law sa University of Santo Tomas. Inaasahang pangangala­gaan ni Advincula ang kapakanang espirituwa­l ng mga mananampal­ataya, lalo na ngayong nananalasa ang Covid-19 sa buong bansa.

—ooOoo— Maganda at mabuti ang wish ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa kanyang ika-76 na kaarawan noong Linggo. Nais niyang mawala na ang pandemic na patuloy na kumikitil ng buhay ng maraming Pilipino at pumipinsal­a sa ekonomiya ng

Pilipinas.

Sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na hindi raw dapat mangamba o mag-alala ang mga Pinoy sa presensiya ng mga barkong Chinese sa Julian Felipe Reef na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng PH.

Ang pagtiyak, ayon kay Roque, ay ginawa ni Chinese Ambassador Huang Xilian kay PRRD nang sila’y magpulong. “Nagkaintin­dihan ang Pangulo at ang Chinese ambassador sa kanilang pag-uusap.”

Sa pulong ng Pangulo at ni Ambassador Huang, ipinaalam ni PRRD ang kanyang concern sa pagdaong ng Chinese vessels sa PH reef. Ipinabatid ni Digong kay Huang na poprotekta­han niya ang mga karapatang soberanya ng Pilipinas sa karagatan nito at itataguyod ang makasaysay­ang tagumpay ng Pinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS) noong 2016.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines