Balita

Bahala na ang Pinoy

- Ric Valmonte

AYON kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa maraming barko nila na nakadaong sa Julian Felipe reef. “Sinabi ng Pangulo na nababahala kami, kahit sinmunang bansa ay mababahala sa dami ng barko,” wika ni Roque. Pinanindig­an din, aniya, ng Pangulo

ang internatio­nal arbitral tribunal’s 2016 ruling na pinawalang-saysay ang pag-angkin ng China sa South China Sea. Hindi kaya nagkakalat itong si Roque ng fake news? Ganito na ba katapang ang Pangulo at nasabi niya iyong inihayag ni Roque na nabanggit niya sa Chinese ambassador ang arbitral ruling? Eh, sa kanyang huling State of the Nation Address, tahasan niyang sinabi na “inutil” siyang ipaggiitan sa China ang karapatan ng bansa sa bahaging ito ng South China Sea. Ipagpalaga­y natin na natauhan na ang Pangulo na tungkulin niyang ipagtanggo­l at pangalagaa­n ang integridad ng bansa, mananahimi­k na lang ba siya? Aba, eh walang patumangga ang paglusob at paghihimas­ok ng China sa teritroyon­g kinumpirma ng Internatio­nal Arbitratio­n, The Hague na nasa ilalim ng sovereign right ng Pilipinas.

Noong Marso 7, iniulat ng Philippine Coast Guard na may 220 Chinese vessels na nakadaong sa Julian Felipe reef na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Noon Marso 20, kinumpirma ang ulat na ito ng National Task

Force for the West Philippine Sea. Ang problema, Nobyembre 20 namataan na ang mga Chinese vessels sa Julian Felipe o Whitsun reef. Dadaaong, darating at aalis ang mga ito mula nang kalagitnaa­n ng Disyembre 2020. Ang bilang ng mga barko ay panandalia­ng bumaba noong Pebrero 2021, pero marami pa rin ang dumarating at umaalis. Ang Julian Felipe reef ay 324 kilometro ang layo mula sa probinsya ng Palawan na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas. Nangangahu­lugan na ito lamang ang may karapatang gumamit at mangalaga ng anumang yaman sa lugar tulad ng isda, langis at natural gas.

Nagsampa ng diplomatic protest ang Philippine Foreign Affairs Department at hiniling sa China na alisin ang kanyang mga barko. Subalit, ayon kay executive director of Asia Maritime Transparen­cy Initiative director Gregory Poling, mukhang hindi pinansin ito ng China. Hindi, aniya, aalis ang Tsino dito dahil nais nilang mabuo ang kanilang pag-angkin sa reef tulad ng kanilang ginawa sa mga ibang pinagaagaw­ang teritoryo sa

isla ng Spratly. Dahil sa ayaw dinggin ng China ang panagawan ng Philippine Government na lisanin ang reef, kay director Poling, napapanaho­n na sa administra­syong Duterte na baguhin ang pagkiling nito sa China. “Sa loob ng limang taon, hindi humingi ang Pilipinas ng suporta para sa West Philippine Sea isyu. Maliwanag na hindi positibo ang responde ng Beijing sa pro-China policy ni Pangulong Duterte,” dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung may kakayahan si Pangulong Duterte na baguhin ang kanyang posisyon hinggil sa pagkiling niya sa China. Sa loob kasi ng limang taon ng kanyang termino, wala siyang ginawa kundi ang dumikit sa China at umamot ng tulong na ang huli niyag nakuha ay ang donasyon nitong Sinovac vaccine. Samantala, ganoon na lang niya alipustahi­n ang Amerika at kinakansel­a pa ang nabuo nang kasunduan nito sa Pilipinas. Pero, sa huli naman, ang mamamayang Pilipino ang magpapasiy­a. May pwersa sila na kayang ipaglaban at ipagtanggo­l ang integridad at kapakanan ng kanilang bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines