Balita

Cast ng ‘Magkaagaw’, nagpapasal­amat

- Nora V. Calderon

SA Miyerkules, March 31, ang grand finale ng Magkaagaw na more than a year ding tinutukan ng netizens ang story nina Veron ( Sheryl Cruz), Laura ( Sunshine Dizon), Clarisse (Klea Pineda) at Jio (Jeric Gonzales), dahil inabutan ito ng Covid-19 pandemic. May special participat­ion din sa serye si Polo Ravales as Oliver. Maraming itinurong lessons, hindi lamang sa kanila sa mga characters na kanilang ginampanan kundi sa mga manonood din ng GMA Afternoon.

Sa pagtatapos ng serye, magiging masaya na ba sina Laura, Clarisse at Jio pagkatapos ng mga kasamaang ginawa sa kanila ni Veron? Tiyak din na gusto ng mga viewers nito na mapait na katapusan ang tatanggapi­n ni Veron sa mga kasalanang ginawa niya, o dapat ba siyang patawarin?

Nagpasalam­at ang buong cast ng Magkaagaw sa lahat ng netizens na patuloy silang sinubaybay­an Lunes hanggang Sabado, at 2:30PM.

Ang Magkaagaw ay dinirek

ni Gil Tejada.

 ??  ?? Jeric, Sheryl, Sunshine at Klea
Jeric, Sheryl, Sunshine at Klea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines