Balita

Paano mag-move on like Andrea Torres?

- Ni DANTE A. LAGANA

ABA magkasunod ang guesting sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ang mga Kapuso celebritie­s na nakaranas ng breakup sa kani kanilang dyowa.

Last Sunday si Rhian Ramos samantalan­g itong Linggo lang ay si Andrea Torres naman. Tumutok malamang ang mga tao kung magsasalit­a na nga ba si Andrea kung ano nga ba ang dahilan ng breakup nila ni Derek Ramsay. Pero walang naitanong ukol dito sa segment ng TBATS na “May Pa-Presscon.” Kaya walang ibinahagi ang star ng upcoming teleserye na Legal Wives ang tungkol sa hiwalayan nila ni Derek. Kung sabagay si Andrea ang tipong tatahimik na lamang.

Nagbigay naman ng tips si Andrea kung paano mag-move on sa breakup. Sey niya, “Magfocus ka sa sarili mo gumawa ka ng mga bagay na nagpapasay­a sayo atsaka mga bagay na hindi mo pa natatry dati. I-discover mo pa ang sarili mo kumbaga.”

Wala na raw nararamdam­an na selos factor si Andrea ngayong may bago ng dyowa si Derek Ramsay na si Ellen Adarna nga. Sa pahayag naman niya ukol sa second chance o balikan hindi man niya diretsang sinabi pero tumbok pa rin na wala na ngang balikan na mangyayari sa kanyang naging karelasyon.

Aniya, “Sa akin kasi ano all out kasi ako sa relasyon. So kapag dumating sa point na kumalas na, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. So ok na.”

Mukhang ganoon talaga si Andrea sa mga past relationsh­ip. Dahil maging ang ex boyfriend niyang si Sef Cadayona bagamat friends na sila at open na ang communicat­ion, wala na nga raw mangyayari­ng reminiscin­g.

Sa naunsyamin­g relasyon daw ni Andrea kay Derek pahinga muna raw ang puso niya. Hindi pa raw siya handang magmahal muli sa halip bibigyan niya ng time ang sarili niya para maging mag-isa. Para kapag may dumating raw na next love, all out daw uli si Andrea. Yun na!

 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines