Balita

Santiago, kampeon sa Japan V League

- Marivic Awitan

MANINGNING ang internatio­nal volleyball career ni Jaja Santiago.

Nasungkit ng Saitama Ageo Medics, kung saan naglalaro si Santiago bilang import, ang Division 1 Cup title ng Japan V League nang gapiin ang NEC, 26-24, 20-25, 25-21, 25-17, nitong Linggo sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

Natala ang Filipina spiker ng 11 puntos na kinabibila­ngan ng 9 na attacks at 2 blocks sa onegame final.

Tinapos ng Ageo Medics ang kanilang kampanya sa V League sa pamamagita­n ng 14 na sunod na panalo mula noong Enero 23.

Halos balanse ang naging laro ng mga pangunahin­g manlalaro ng koponan sa pamumuno nina Mami

Uchiseto at Yuka Sato na kapwa tumapos na may 15 puntos, kasunod si Shainah Joseph na may 14 puntos at Kyoko Aoyagi na may 8 puntos tampok ang 3 blocks.

Nagtapos namang leading scorers ng NEC si Ayumi Yoshida na may 22 puntos at Misaki Yamauchi na may 15 puntos. Naging malaking balakid para sa Red Rockets ang naitala nilang 32 kumpara sa Saitama na mayroon lamang 13 errors.

Ito ang ikalawang internatio­nal medal na nakamit ni Santiago sa paglalaro para sa Ageo Medics kasunod ng napanaluna­n nilang bronze noong nakaraang taon sa Japan V.League.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines