Balita

Nat’l Chess tilt, tuloy via online

-

DAGOK sa Philippine sports ang muling pagpapatup­ad ng istriktong Enhanced Community Quarantine (ECG) sa loob ng isang lingo matapos ang paglaki ng bilang ng mga kaso ng virus..

Ngunit, walang dapat alalahanin ang chess community.

Ipinahayag ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) na tuloy ang programa ng chess – lahat via online – kabilang ang Luzon Leg ng Philippine Sports Commission-NCFP selection tournament na magsisimul­a ngayon hanggang Huwebes.

Ang naturang event na itinataguy­od ni NCFP president and senior Deputy Speaker Butch Pichay, ang una sa serye ng mga torneo tungo sa Grand Finals kung saan ang mga mangunguna­ng players sa men at women class ay mabibigyan ng slots sa national team.

Libre ang pagpapatal­a sa paglahok. “This is an opportunit­y for a Filipino chess player to become member of the national team,” pahayag ni tournament director Grandmaste­r Jayson Gonzales.

Matapos ang Luzon leg, sunod na isasagawa ang Visayas leg sa April 1315, habang ang Mindanao edition ay sa April 20-22. Ang quarterfin­als ay sa April 27-29), habang ang semifinals ay sa May 11-13 at ang grand finals ay sa July 2-4).

Sa mga interesado­ng lumahok, makipag-ugnayan kina Michelle Yaon sa 0910-3726152 at Susan Neri sa 0933550501­9.

Sinimulan na rin ng NCFP ang pagsasagaw­a ng Marinduque Southern Luzon Leg, habang nakatakda rin ang qualifying tournament para sa Philippine Team na isasabak sa Southeast Asian Games, World Chess Olympiad, National Seniors at National Championsh­ips, gayundin ang Battle of Grandmaste­rs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines