Balita

Sarah-Matteo, groundbrea­king na sa bagong bahay

- Ador V. Saluta

NAGING matagumpay ang nakaraang Tala, The Film

Concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, ang kanyang first-ever digital concert na napanood noong March 27, Sabado ng gabi, kung saa’y guest ang asawang si Matteo Guidicelli.

Ayon sa Instagram post ni Matteo, puring-puri at ipinagmama­laki nito ang asawang singer-actress, na despite ng pandemya, nag-alay pa ito ng saya at pag-asa sa mga madlang pipol.

“She worked extremely hard for this show because her goal was to really produce something extra special for her audience and I personally witnessed how she creatively collaborat­ed with her team,” sey ni Matteo.

Ayon naman sa musical director ng show na Paul Basinillo, aniya’y kapansin-pansin ang pagma-mature si Sarah bilang performer at halata ito ng lahat ng mga nanood ng concert.

“She has matured as an artist and as a performer.She knows what she wants,but at the same time, she also listens to us being seasoned profession­als.

“I think she would eventually turn into a really good artist/ producer in the near future. I’m hoping to collaborat­e with her more in any capacity.”

Bago ang nasabing Tala concert, ipinagdiwa­ng ni Matteo ang kanyang ika-31st birthday nitong Biyernes, Marso 26, subali’t hindi magarbong birthday party ang naganap kundi’y isang groundbrea­king ceremony para sa kanilang ipapatayon­g bahay sa Peninsula De Punta Fuego sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Makikita sa mga larawan sina Sarah at Matteo sa groundbrea­king na may caption na “Spotted: Mr.& Mrs. Guidicelli groundbrea­king their future home at Peninsula De Punta Fuego earlier…” ayon sa Facebook page post ng administra­tor ng Peninsula De Punta Fuego.

 ??  ??
 ??  ?? Sarah at Matteo
Sarah at Matteo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines