Balita

Lider mangagawa sa Laguna, tinodas

- Danny Estacio

Patay ang isang lider manggagawa nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang sakay ng motorsiklo nitong Linggo ng gabi sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng Calamba PNP kinilala ang biktima na si Dandy Miguel, 30, vice-chairman ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagaluga­nKilusan Mayo Uno (PAMANTIKKM­U), factory worker, at residente ng Bgy. Majada Labas, dito.

Naging pangulo din siya ng Lakas ng Nagkakaisa­ng Manggagawa ng Fuji Electric –OLALIA-KMU at miyembro ng national council ng Kilusang Mayo Uno.

Agad na namatay si Miguel nang pagbabaril­in ng hindi kilalang suspek habang nakasakay sa kanyang motorsiklo na may plakang 3268 WG sa Kapayapaan Road Asia 1 sa nasabing lugar dakong 8:45 ng gabi, at pauwi na.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ng Department of Justice (DOJ) na tutukuyin pa nila kung ang pagpaslang kay

Miguel ay isasama sa imbestigas­yon inter-agency committee on extra-judicial killings (EJKs).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines