Balita

Roque, sinisi ang virus mutation sa ECQ sa NCR+

- Argyll Cyrus Geducos

Pinabayaan ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque ang mga batikos na ang Greater Manila Area ay inilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa umano’y kawalan ng kakayahan ng gobyerno na hawakan ang coronaviru­s (COVID19) pandemic.

Naglabas ng pahayag si Roque sa pagpasok ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa unang araw nito sa isang linggong ECQ nitong Lunes, Marso 29.

Sa isang pakikipana­yam sa ANC, iginiit ni Roque na tila pagbabalik ng Pilipinas sa simula ay hindi dahil sa gobyerno ngunit dahil sa kakayahang magbago ng virus.

“It’s because the virus mutated: there’s now the UK, South African, Brazilian, and even the Philippine variant,” sinabi niya sa programang “Headstart” nitong Lunes.

“Unfortunat­ely, all these variants made the disease more infectious and more transmissi­ble,” dagdag niya.

Sinabi ni Roque na wala talagang magagawa ang sinuman sa katotohana­ng iyon.

“No one could have done anything about it because it’s in the nature of viruses to mutate,” aniya.

“What we need to do now is to adapt to these new variants. If they are more transmissi­ble, then we will be more vigilant,” dagdag nia.

Samantala, hinimok ni Roque ang publiko na magpatuloy sa pagsunod sa mga minimum na protokol sa kalusugan - ang pagsusuot ng face masks at face shields, wastong paghuhugas ng kamay, at physical distancing.

Ang Greater Manila Area ay nasa ilalim ng ECQ hanggang Abril 4 kung saan ang mga mahahalaga­ng tindahan lamang ang maaaring magbukas at limitado ang paggalaw ng mga tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines