Balita

Andrea Brillantes, nagtutupi ng damit na naka-blindfold

- Ni ADOR V. SALUTA

MARAMING nam-bash at umaway sa young actress na si Andrea Brillantes sa ‘bad girl’ role niya sa iconic seryeng Kadenang Ginto. Kaya naman nang bigyan muli siya ng panibagong project, ang Huwag Kang Mangamba, hiniling ni Andrea sa pamunuan ng ABS-CBN na sana’y ibang karakter naman ang kanyang ipo-portray, ang maging mabait o inaaping bida sa nasabing latest drama series ng Kapamilya.

“Actually, rinequest ko talaga na sana sa next kung may maibibigay sa akin na show, sana dito naman mabait ako or kung hindi man mabait ay opposite ni Marga. Kasi gusto ko maipakita sa lahat ng tao ang kakayanan mo sa pag-arte at ayoko ma-limit ang sarili ko sa pagiging kontrabida kasi mahilig ako sa iba’t ibang character, sa mga challengin­g roles,” kuwento ni Andrea sa panayam sa kanya kamakailan.

“Bilang isang fan girl sa May

Bukas Pa, nung nalaman ko na ito yung show na gagawin namin at nararamdam­an ko yung epekto niya, sabi ko sa sarili ko, ‘Grabe ito yung show na binigay sa amin.’ And first prime time show ko ‘to. Sobrang nagpapasal­amat ako sa Dreamscape kasi sa amin nila ito ibinigay eh. Bago pa lang kaming grupo pero grabe na yung tiwala nila sa amin kaya nag-thank you agad ako. Halos lumuhod ako nag-thank you agad ako kay Lord,” lahat ng batang aktres.

“Nahiya nga akong magtanong, mag-follow up sa manager ko kasi alam ko yung pinagdadaa­nan ng ABS-CBN eh. Gusto ko lang mag go with the flow, ayoko silang i-pressure. Hindi talaga nila kami pinabayaan. Dati hindi nila ako pinabayaan. Ngayon na pandemic hindi pa rin nila ako pinabayaan. Kaya iba talaga ang pag-alaga ng ABS-CBN

sa artista nila. Sobrang grateful ako na sila ang nag-aalaga sa akin at proud na proud ako na sabihin na artista nila ako at ganyan sila mag-alaga ng artista nila at ganyan sila magtiwala,” dagdag niya.

Dahil naka-ilang soap na rin si Andrea, nakahanda agad siyang umakting o humarap sa kamera.

“Wala ako masyadong preparatio­n sa pag-iba ng ugali ko from Marga to Mira kasi very close naman si Annaliza kay Mira, ang kaibahan lang mas pinakita kung paano maka-Diyos si Mira kesa kay Annaliza.

“Ang pinaghanda­an ko actually is Mira is visually impaired so yun yung mas pinaghanda­an ko talaga. Sa bahay nag-ba-blindfold ako kasi ayoko ng mag-arte ng ganun, lalo na may mga taong talagang ganun. Gusto ko mabigyan ng justice yung role ko so lagi akong may gawaing bahay. And sa nabasa ko sa script hindi siya talaga pumapayag ng hindi siya kumikilos, hindi siya naghuhugas, hindi siya nagluluto. Kinailanga­n ko rin i-practice yung habang naka-blindfold ko ginagawa ko yung chores ko sa bahay. Nagliligpi­t ako, nagtutupi ako ng damit ko. Feeling ko talaga kailangan ko gawin yun para sa role ko,” kanyang paliwanag.

 ??  ??
 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines