Balita

Bea Alonzo, nagpatakam

- Ni NORA V. CALDERON

MASAYA ang aktres na si Bea Alonzo na kasama niya ang kanyang family sa kanilang farm sa Iba, Zambales, kung saan sila magpapalip­as ng Holy Week, lalo ngayong naka-Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capitol Region

(NCR), Bulacan, Laguna, Rizal at

Cavite, na magtatapos sa Easter Sunday, April 4.

Wala ring work si Bea ngayon, kaya naman nakapag-post ulit siya ng third vlog niya sa kanyang YouTube channel, habang nasa farm siya, titled “Farm To Table Cooking.”

Nauuso ngayon ang farm to table cooking at na-inspire siyang gawin ito dahil makukuha na niya sa farm ang mga sangkap na kanyang lulutuin. Nagpasalam­ast si Bea sa kanilang cook sa farm na itinuro sa kanya kung paano iluto ang ginataang tilapia with kamias. Bago siya nagluto, namitas muna siya ng kamias at sili at nagpahuli ng tilapia sa kanyang fish pond ng kanilang farm. Ang ibang ingredient­s ay binili nila sa palengke ng Botolan, Zambales. At isa-isa niyang itinuro kung paano ihanda ang ingredient­s at paano lutuin ang ginataang tilapia, gamit ang palayok, kaya tiyak na madali itong masusundan ng mga subscriber­s ng vlog niya.

Ending ng vlog, sarap na sarap kumain na nakakamay si Bea na nakaupo sa banig sa ilalim ng isang punong mangga sa farm.

 ??  ??
 ?? Bea ??
Bea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines