Balita

68 pasaway sa Valenzuela, pinagdadam­pot

- Orly L. Barcala

Pinagdadam­pot ng mga awtoridad ang 68 pasaway mula sa 10 barangay sa Valenzuela City, dahil sa paglabag sa health protocols, nitong Linggo ng gabi.

Dinala sila sa Saint Jude covered court sa Barangay Malinta ng lungsod, bandang 11:00 ng gabi dahil sa paglabag sa

R.A. 11332 o ‘Law on Reporting of Communicab­le Diseases’, ‘How to Protect Yourself’, mga city ordinance kaugnay sa #COVID19 gaya ng Curfew (Stay at

Home), Loitering, Social Distancing, ‘Wear Your Face Mask’, ‘Stay Sober’ ordinance (Liquor Ban), at iba pa.

Nag-lecture ang Valenzuela Police sa mga curfew violator mula 11:00 gabi hanggang 5:00 ng umaga kinabukasa­n.

Sa talaan ng pulisya, 8 ang nahuli sa Marulas, 18 sa Malinta, 10 sa Polo/ Poblacion, 3 sa Dalandanan, 1 sa Ugong, 1 sa Karuhatan, 13 sa Bagbaguin, 3 sa Maysan, 2 sa Lawang Bato, at 9 sa Mapulang Lupa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines