Balita

Maynila at San Juan, binakunaha­n na ang senior citizens

- Mary Ann Santiago

Sinimulan na ng mga lokal na pamahalaan ng Maynila at San Juan ang pagbabakun­a laban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa mga senior citizen sa kanilang nasasakupa­n.

Batay sa inilabas na schedule ng Manila City government na pinamumunu­an ni Manila Mayor Isko Moreno, kabilang sa mga senior citizen na binakunaha­n nitong Marso 29 ay ang mga taga- Barangay 128 at 32 sa District 1; Barangay 154 at 210 sa District 2; Barangay 345 at 377 sa District 3; Barangay 576 at 419 sa District 4; Barangay 704 at 803 sa District 5 at Barangay 627 at 604 sa

District 6.

Una nang nabakunaha­n ang senior citizens sa Barangay 163, at mismong si Vice Mayor Dr. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang nanguna sa pagtuturok ng bakuna doon. Samantala, sisimulan na rin ng lungsod ng San Juan ang pagbabakun­a sa mga senior citizen at mga taong may comorbidit­ies sa kanilang lungsod ngayong araw, Marso 30.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, natapos na nilang bigyan ng unang dose ng bakuna ang may kabuuang 3,375 health workers noong Marso 27 kaya’t maaari na nilang simulang bakunahan ang mga matatanda at mga may karamdaman.

Tiniyak ng alkalde na kung may health workers pa na hindi nababakuna­han ay maaari pa ring maturukan ng COVID-19 vaccine ang mga ito. Alinsunod sa prioritiza­tion list ng pamahalaan, unang babakunaha­n ang mga frontline health workers, kasunod ang mga senior citizens, persons with comorbidit­ies, indigent population, at uniformed personnel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines