Balita

Wala munang lotto, STL tuloy

- Mary Ann Santiago

Pansamanta­la munang sinuspinde ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) ang operasyon ng kanilang lotto at digit games matapos na isailalim ng pamahalaan ang National Capital Region (NCR), Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan sa enhanced community quarantine (ECQ) bunsod nang patuloy na pagdami ng naitatalan­g COVID19 cases.

Sa isang paabiso, sinabi ng PCSO na epektibo ang suspensiyo­n sa pagbebenta ng tiket para sa lotto at digit games, gayundin ang pagbola sa mga ito, simula nitong Lunes, Marso 29, hanggang sa Marso 31, Miyerkules, habang nakabinbin pa ang pag-apruba sa kahilingan ng PCSO sa pamahalaan na payagan silang makapagsag­awa ng lotto at digit draws sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyon­g City, na sakop ng NCR.

“The Philippine Charity

Sweepstake­s Office would like to inform the public that lotto and digit games operations covering the selling and conduct of draws shall be suspended from March 29-31, 2021 pending approval of PCSO’s request to conduct draws at the PCSO main office in Mandaluyon­g City,” anunsiyo ng PCSO.

Tuloy naman ang operasyon ng small town lottery (STL) at Keno, gayundin ang bentahan ng instant sweepstake­s sa mga lugar na hindi sakop ng ECQ maliban na lamang kung may mga pagbabawal na ipalalabas hinggil dito

Sinabi rin ng PCSO na magtitigil-operasyon rin ang lahat ng PCSO gaming operations sa buong bansa mula Abril 1 hanggang 4 bilang pag-obserba sa Mahal na Araw, maliban na lamang ito sa STL sa mga lugar na may aprubadong request na makapagsag­awa ng selling at draw activities.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines