Balita

Hornets, napaso sa Suns

-

CHARLOTTE, N.C. (AFP) — Hataw sina Devin Booker na may 35 puntos at Chris Paul na may 26 sa panalo ng Phoenix Suns kontra Charlotte Hornets, 101-97, sa overtime nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nag-ambag si Deandre Ayton ng 14 puntos, habang tumipa si Mikal Bridges ng 13 puntos, walong rebounds at career-high six steals para sa ikatlong panalo sa huling apat na laro ng Suns.

Nanguna si Devonte Graham sa Hornets sa naiskor na 30 puntos, habang tumipa si Terry Rozier ng 22 puntos at 10 rebounds.

NUGGETS 126, HAWKS 102

Sa Denver, matikas ang debut ni Aaron Gordon sa naiskor na 13 puntos, para sandigan ang Denver laban sa Atlanta Hawks.

Nakuha ng Denver si Gordon sa naganap na trade sa Orlando kasama sina Nikola Jokic na may 16 puntos, 10 rebounds at walong assists.

Nanguna si Trae Young sa Atlanta na natipang 21 puntos.

TRAIL BLAZERS 122, RAPTORS 1117

Sa Tampa, Fla., ginapi ng Portland, sa pangunguna nina CJ McCollum na may 23 puntos at Damian Lillard na humugot ng 22 puntos at 1 11 assists, ang Toronto.

Humirit si Pascal Siakam ng 26 puntos at walong rebounds, habang tumipa si Fred VanVleet ng 20 puntos at walong assists sa Toronto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines