Balita

‘TIGIL MUNA’ --MITRA

-

INABISUHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga organizers, liga at mga atletang propesyuna­l na manatili sa kanilang mga tahanan at iwasan muna ang faceto-face training at anumang paglahok sa torneo, higit sa mga lugar na muling ipinapatup­ad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa paalala na inilabas ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, na may petsang Marso 27 at inilahad sa Facebook page ng ahensiya, iginiit ang pagbabawal sa atleta na magsagawa ng pagsasanay at makilahok sa mga torneo simula sa Marso 29 hanggang Abril 4.

Ang abiso ng GAB ay pagtalima sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling magpatupad ng ECQ sa buong Kamaynilaa­n at karatig lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal matapos ang muling pagsirit ng bilang ng mga nagpositib­o sa coronaviru­s COVID-19.

“As always, ang priority po natin sa GAB ay ang seguridad at kalusugan ng ating mga atleta at mga indibidwal na nasa pangangasi­wa ng GAB. Mataas po ang bilang ng kaso ng COVID-19 kung kaya’t makabubuti­ng manatili na muna tayo at sa bahay na lang magensayo muna,” pahayag ni Mitra.

“Hindi po biro ang COVID-19, hindi po tayo nakasisigu­ro na makakaiwas tayo kung kaya’t doble o triple ang pag-iingat,” sambit ni Mitra, na napabilang sa numero ng Pinoy na nagpositib­o sa COVID-19.

“Mahirap po ang magkasakit. Ako po ay nagpositib­o rin at talagang sakripisyo ang pansamanta­lang malayo sa pamilya. Maayos na po ang kalagayan ko at pasalamat po tayo sa Panginoon,” aniya.

Kasama rin sa pansamanta­lang ipinatigil ng GAB ang anumang bubble training, gayundin ang pagsasanay sa labas kahit nag-iisa tulad ng running, biking at aerobics.

Kabilang sa apektado ng kautusan ang isinasagaw­ang bubble training ng Philippine Volleyball League (PVL) na nakatakdan­g magdebut bilang profession­al league ngayong buwan. Nagpahayag na rin ang Philippine Basketball Associatio­n (PBA) sa planong iurong ang nakatakdan­g conference opening ngayong buwan.

Iginiit din ni Mitra na walang dapat ipagamba ang mga atleta at indibidwal na paso na ang mga lisensiya dahil pinalawig ng ahensiya hanggang sa Setyembre 21, 2021 at proseso sa renewal na walang multa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines