Balita

Private sector, mahalagang partner sa bakuna

- Leonel M. Abasola

Walang ibig sabihin ang kautusan ni Pang, Rodrigo Duterte na payagan ng bumili ang private sector ng bakuna kung hindi naman ito susundin ng mga health authoritie­s lalo na sa usapin ng pagkuha ng import permits.

Aniya, ito ang pinakamaga­ndang regalo ng Pangulo sa kanyang sarili sa pagdiwang ng kanyang kaarawan pero may mga balakid sa pagpapatup­ad nito lalo pa’t matagal ng hinihiling ng private sector ang kanyang permiso na umangkat sila ng kanilang sariling bakuna at may mga regulasyon din katulad ng tripartite agreement.

“As I had repeatedly suggested in the past, in a time of crisis, government should look at the private sector as partners rather than competitor­s. Unfortunat­ely, some of those in charge of handling the pandemic do not think the same way as most of us do.” ani Lacson.

Para naman kay Senator Grace Poe ang bawat bakuna ng private sector ay kaibsan din ng pamahalaan sa pagpapatup­ad din ng bakuna at kailangan ang malawakn at sabayang pagpapatur­ok para mapuksa o mabawasan ang pagkalat nito.

“The faster we inoculate, the quicker we can rev up the economy from the slump” ani Poe.

Nanawagan naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa IATF na agad ng balangkasi­n ang mga alintuntun­in sa importasyo­n at huwag ng sayangin ang mga mahahalaga­ng oras.

Aniya, may sariling pondo ang private sector lalo na ang mga nasa economic frontliner­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines