Balita

1 WEEK PANG ECQ HILING NG DOH

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Inirekomen­da ng Department of Health (DOH) sa pamahalaan ang pagkakaroo­n pa ng 1-week extension o pagpapalaw­ig pa ng isang linggo, ng muling pinairal na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan o NCR Plus bunsod nang patuloy na pagtaas nang naitatalan­g mga kaso ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, ang ideyal talaga ay maipatupad ang ECQ sa loob ng dalawang linggo upang makita ang epekto nito.

Gayunman, hindi pa aniya ito pinal at kinakailan­gan pa ng assessment ng ECQ bago ito magtapos sa Abril 4.

Magsasagaw­a rin aniya ang DOH at National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) ng cost-benefit analysis upang tukuyin ang impact ng ECQ extension sa ekonomiya at sa public health. “Extension for another week was recommende­d but nothing is final and IATF works in a whole of government approach. There will be an assessment of the progress before ECQ ends,” pahayag ni Vergeire. “The ideal would really be two weeks so that we can be able to see that effect that we would want,” aniya pa.

Matatandaa­ng simula nitong Marso 29 ay nagpatupad muli ang pamahalaan ng ECQ sa NCR Plus na nakitaan nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases nitong mga nakalipas na araw.

Magtatagal ang ECQ sa loob ng isang linggo lamang ngunit ayon sa top epidemiolo­gist ng DOH ay hindi ito sapat upang masustenah­an ang downtrend ng mga kaso ng sakit. Nitong Lunes ng hapon, nakapagtal­a muli ang Pilipinas ng recordhigh na 10,016 new infections ng sakit, sanhi upang umabot na ang national tally sa 731,894. Sa naturang bilang, 115,495 ang aktibong kaos, 603,213 ang recoveries at 13,186 ang sinawimpal­ad na bawian ng buhay.

 ?? ALI VICOY ?? Miyembro ng MDRRMO ay gumamit ng Double canon fogging machine at misting canon para ma-disinfect ang mga barangays sa Leveriza an Adriatico sa Malate, Manila sa kabila ng surge ng Covid-19 cases sa Metro Manila.
ALI VICOY Miyembro ng MDRRMO ay gumamit ng Double canon fogging machine at misting canon para ma-disinfect ang mga barangays sa Leveriza an Adriatico sa Malate, Manila sa kabila ng surge ng Covid-19 cases sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines