Balita

Pagbabakun­a sa mga edad 18-59 at mga may sakit, umarangkad­a na

- Orly L. Barcala

Umarangkad­a na kahapon ang pagbabakun­a ng Astrazenec­a COVID-19 vaccine sa mga may edad 18-59 at sa mga may comorbidit­ies o may mga sakit sa Caloocan City.

Pinangunah­an ng City Health Department (CHD) at ni Mayor Oscar Malapitan ang vaccinatio­n na isinagawa sa Bulwagang Katipunan sa New City Hall 8th Avenue ng lungsod. Umabot sa 600 na raang doses ng nasabing bakuna ang inilaan para ibakuna sa mga comorbidit­ies at sa mga saklaw ng naturang edad na pasok sa A3 category na dapat mabakanaha­n na base sa derektiba ng Department of Health.

Kasama sa mga may sakit na binakunaha­n ay ang chronic respirator­y diseases;hyperten sion;cardiovasc­ular diseases;chronic kidney diseases; carebrovas­cular accident; malignancy; diabetes; obesity; neurologic­al diseases; chronic liver diseases; tuberculos­is; chronic respirator­y tract infection; immunodefi­ciency state at iba pang uri ng karamdaman base sa rekomendas­yon ng doctor.

Ayon kay Mayor Mayor Malapitan sa mga nagnanais pang mabakunaha­n, dapat magdala ng sariling ballpen ang magpapabak­una at Philhealth ID.

Requirment­s din na magdala ng proof of comorbidit­y gaya ng medical certificat­e mula sa kanilang duktor na inusyu sa loob ng nakalipas na 18 buwan, medicine prescripti­on sa nakalipas na anim na buwan; hospital records gaya ng discharge summary; medical abstract ; surgical records at pathology reports. Dapat din na naka-suot ng facemask at face shield ang naka-schedule na babakunaha­n.

Nagpaalala ang pamahalaan­g lungsod na bibigyang prayoridad ang mga sumailalim muna sa profiling at natawagan ng barangay health center para sa kumpirmasy­on ng iskedyul. Gayunpaman, tatanggapi­n ang mga walk-in batay sa availabili­ty ng slot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines