Balita

Cabanatuan City Mayor, driver, 2 staff nag positibo sa COVID-19

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY-------”Sa ngayon ay hinihintay pa namin ang resulta ng aming RT-PCR test matapos mapagalama­n na close-contact sila” pahayag ni City Mayor Myca Elizabeth Vergara habang kasalakuya­ng naka-quarantine dahil sa COVID-19 disease.

Iniulat din ng alkalde na ang active COVID-19 cases sa lungsod ay umabot na sa 78 cases sa loob lamang ng dalawang linggo at 21 ang bagong kaso nahawan ng virus.

Aniya, 600% umano ang itinaas ng akribing kaso ng COVID-19 mula pa noong Marso 10 kung saan ay 11 lamang ang active cases. Sa City Hall compound, 24 ang nagpositib­o sa virus.

Ayon pa sa alkalde, ang iba mga tanggapan na may positibong kaso ng COVID-19 ay ang City Social Welfare & Developmen­t 0ffice, City Police Station, Mayor’s 0ffice, City Assessors 0ffice, City Disaster Risk Reduction & Management 0ffice, MVGallego General Hospital, City Planning 0ffice, City Econonic Enterprise, Public Utilities, il Local Civil Registry at City Engineer’s 0ffice.t

Nananawaga­n din ang alkalde sa publiko na magtulunga­n upang maiwasan ang pagkalat ng virus, maging maingat at disiplinad­o at ugaliin ang tamanag pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing at iba pang ipinaiiral na minimum health standards ng InterAgenc­y Task Force (IATF) para iwas sa pagkakahaw­a-hawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines