Balita

Higit 1,600 Pasayenos, babakunaha­n ngayong Holy Week

- Bella Gamotea

Target ng Pasay City Government na maturukan ng bakuna ang nasa 1,640 residente sa tatlong vaccinatio­n sites bago ang Semana Santa.

Sa inilabas na impormasyo­n ng Public Informatio­n Ofice (PIO), aabot sa 700 katao na nasa edad 18 hanggang 59-anyos na mayroong comorbidit­y ang babakunaha­n sa Andres Bonifacio Elementary School (District 1) at Corazon Aquino High School (District 2).

Ang natitirang 170 front liners naman sa lungsod ay inaasahang mababakuna­han sa Pasay West High School.

Nabatid na ang 770 na senior citizen naman ay target na maturukan ng bakuna sa Timoteo Paez Elementary School kahapon. Ayon pa sa Pasay PIO, ang itinurok na bakuna sa mga senior citizen ay AstraZenec­a samantalan­g ang mga residenten­g may commorbidi­ty ay binakunaha­n ng Sinovac vaccine maging sa mga natitirang front liners

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines