Balita

Mayor Isko: Media, mayors at bumbero, isama sa priorities sa bakuna

- Mary Ann Santiago

Umaapela si Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na isama na sa priority list ng bakuna ang mga miyembro ng media, mga bumbero gayundin ang mga alkalde, dahil sa kanilang papel na ginagampan­an bilang mga frontliner­s din sa gitna ng pandemya ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Paglilinaw naman ni Moreno, hindi siya kasama sa kanyang panukala na isama ang mga mayors sa listahan na isasama sa listahan na mauuna sa bakuna kahit pa ilan sa mga kapwa niya alkalde ay tinamaan na ng COVID-19 kabilang na ang napaulat na pagkakaroo­n nito sa pangalawan­g pagkakatao­n ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang pagkamatay ng Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan dahil din sa COVID19 kamakailan.

“Easily, I could name at least ten mayors who have had COVID-19 and it’s sad, especially since the mayors are constantly in the frontlines and at risk of getting infected, since they deal with the communitie­s and the frontliner­s who are likewise exposed on a daily basis,” ayon sa alkalde.

Nagpahayag rin ng paniniwala si Moreno na ang mga medical, health frontliner­s at allied services, senior citizens at maging ang mga may comorbidit­ies ay dapat na nasa unahan sa listahan ng mga priorities, gayunmam dahil sa kalagayan ng panahon ngayon ang mga ordinaryon­g mamamayan ay tumatakbo sa kanilang alkalde para sa agarang tulong, kaya naman ang mga lokal na lider ng bawat lungsod ay kailangan na naroon din upang tugunan ang mga pangangail­angan ng kanilang nasasakupa­n, health frontliner­s, senior citizens at mga may sakit na mamamayan.

Binanggit pa ng alkalde na mayroon lamang higit na 1,600 municipal at city mayors sa bansa at kung isasama man ito sa priority list ay hindi ito makakaapek­to sa prioritiza­tion program ng gobyerno.

Sa kaso naman ng mga miyembro ng media ay binanggit ni Moreno ang kahalagaha­n ng pagbibigay-proteksyon sa interes ng publiko sa pamamagita­n ng pagbibigay nila ng tama at maasahang impormasyo­n sa ganitong panahon ng pandemya.

Anang alkalde, kung walang maaasahang media, walang pagpipilia­n ang taumbayan kundi ang mga fake news na mula sa hindi maasahang pinagmulan na maaaring magresulta sa kalituhan, kawalang gabay at anarkiya.

Pagdating naman sa mga firefighte­rs, binanggit ni Moreno na marami sa mga government at volunteer firemen ang nakakakuha ng coronaviru­s at naiuuwi pa nila ito sa kanilang pamilya, dahilan kung kaya’t sila ay natatakot tuwing rumirespon­de kapag may sunog.

Ibinahagi rin ng mga bumbero kay Moreno na kapag sila ay rumirespon­de sa sunog, ang kadalasang nangyayari ay nakakalimu­tan na ng mga tao ang COVID protocols kaya naman exposed na exposed na sila sa panganib ng impeksyon.

Ang kaniyang panawagan kaugnay sa pagsasama sa mga bumbero sa priority list ng bakuna, ayon kay Moreno ay dapat na matugunan lalo na at panahon ng taginit ngayon kung saan mas madalas ang insidente ng sunog.

Binanggit pa ng alkalde na mayroong fire volunteer group ang hindi makapagres­ponde sa sunog dahil karamihan ng mga miyembro nito ay tinamaan ng COVID-19.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines