Balita

Starship test flight, naunsiyami

-

TEXAS (AFP) —Ipinagpali­ban ng SpaceX ang pinakabago­ng test flight ng prototype interplane­tary Starship rocket nito mula sa pasilidad ng kumpanya sa timog Texas, sinabi ni Elon Musk nitong Lunes.

“FAA (Federal Aviation Administra­tion) inspector unable to reach Starbase in time for launch today,” tweet ng founder at CEO ng kumpanya. “Postponed to no earlier than tomorrow.”

Wala pang launch window para sa Martes ang ibinigay.

Inaasahan ng kumpanya na sa wakas ay maisagawa ang isang matagumpay na pagsubok na paglipad matapos ang huling tatlong pagtatangk­a na natapos sa kamangha-manghang mga pagsabog, at binigyan ng limang oras na window para sa mga aktibidad ng spacefligh­t ng mga lokal na awtoridad noong Lunes. Ang SN11 ay ang ika-11 prototype ng Starship, na inaasahan ng SpaceX na balang araw ay makapaglip­ad ng mga crewed mission sa Moon, Mars at iba pa.

Ito ang pang-apat na magsasagaw­a ng isang test flight, umakyat sa altitude na anim na milya (10 kilometro) bago bumalik sa lupa para sa soft vertical landing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines