Balita

Mga residente ng NCR+ bubble tatanggap ng ‘in-kind’ na ayuda

- Noreen Jazul at Beth Camia

Ang mga residente na apektado ng isang linggo na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus (NCR +) bubble ay makakatang­gap ng in-kind na ayuda mula sa kani-kanilang mga local government unit (LGU), sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez nitong Martes.

Sinabi ni Olivarez, chairman din ng Metro Manila Council (MMC), na unang tinalakay ng lahat ng alkalde ng metro na magpapamah­agi sila ng in-kind na tulong sa kanilang mga nasasakupa­n.

“Yun lang pong basic ang ibibigay, yan po ay pagkakasun­duan sa MMC kung anong specific na items,” sinabi ni Olivarez sa DZMM Teleradyo.

Sinabi ng alkalde na kasama sa package ng tulong ang bigas, mga de-lata, at noodles. Noong Lunes ng gabi, inaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng halagang P1,000 na tulong para sa bawat indibidwal na apektado ng isang linggong ECQ.

Gayunman, nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado na ang tulong ay hindi magiging higit sa P4,000 bawat pamilya. Sa Parañaque, sinabi ni Olivarez na target nilang magbigay ng tulong sa 144,000 mga kabahayan na mababa ang kita. Sinabi ng alkalde na ang bilang ay batay sa target na pambansang pamahalaan na magbigay ng tulong sa 80 porsyento ng mga apektadong sambahayan bawat lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines