Balita

2 Pinoy talents sa bagong show ng HK Disneyland

- Ni REMY UMEREZ

TULAD ni Maja Salvador, pinasok na rin ng awardwinni­ng internatio­nal concert artist na si Carla

Guevara-Laforteza ang talent management. Dalawa sa kanyang talents—sina David

Ezra at Giob Rodriguez ay nagauditio­n at napili na maging cast members sa pagbubukas ng new castle show ng Hong Kong Disneyland.

Si David ay anak ng Asia’s Diva Dulce, na laging in demand as vocalist for concerts at corporate events. May Bachelor’s Degree siya in Music mula sa UST majoring in Music Education.

Regular performer naman si Giob sa Grandbar ng Resorts World Manila at nakalabas sa Ang Huling El Bimbo. Nakatakdan­g tumulak sa Hong Kong ngayong Abril para sa theme park’s newest show. Walang dudang more than happy si Dulce sa magandang kapalarang dumating sa kanyang anak.

Grateful ang manager nilang si Carla sa pambihiran­g oportunida­d na makapagtra­baho sa malaking kompanyang tulad ng Disney.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines