Balita

Kevin Santos licensed pilot na, Cum Laude pa

- Nitz Miralles

NAKABIBILI­B si Kevin Santos dahil hindi tumigil mag-aral hanggang hindi nakaka-graduate ng college.

Kaya bukod sa pagiging licensed commercial pilot, grumaduate rin ang Kapuso actor sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Arellano University.

Ang mas maganda pa, hindi lang siya basta nag-graduate dahil Cum Laude pa siya. Imaging kung wala siya sa showbiz, siguradong mas mataas pa sa Cum Laude ang nakuha niya.

Pinost ni Kevin sa kanyang Instagram account ang medal na nakasulat ang kanyang pangalan at kurso kung saan siya naggraduat­e. Ang caption ng Kapuso actor sa post niya ay “Finally nasa kamay na kita.”

Ang daming nagcongrat­ulate kay Kevin, mga kaibigan niya sa showbis na very proud din sa kanya. Pinatunaya­n ni Kevin na maganda ang bunga ng sipag, tiyaga at determinas­yon.

 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines