Sige, try mo lang silang sakupin (2)

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

KAHIT kailan, hindi maganda ang gera. Kahit pa ang bansa n'yo ang nanalo sa digmaan, ang ibig sabihin pa rin ay mayroong mga namatay, nasugatan, nawalan ng mahal sa buhay, walang makain at kung anu-ano pang negatibo.

Kaya kung maiiwasan ay bakit hindi, di ba?

Ang iba naman ay patuloy na pinalalakas ang kanilang bansa para magdalawang-isip ang sinuman na magbalik na sila ay sakupin.

Pero ayon sa isinulat ni Adrian Chirila sa TopTenz, mayroong mga bansa na imposibleng masakop.

Canada

Ang Canada ay mayroong 95,000 active personnel at 51,000 reserve. Ito ay may 181 tangke at 161 artillery. Mayroon silang 64 air fighter at 175 helicopter. Mayroon din itong 63 naval ships kasama ang apat na submarine.

Ang Canada ang ikalawang pinakamalawak pagdating sa surface area sunod sa Russia.

Ang Canada ay nakadikit sa Amerika na kakampi nito at ang malawak na boundary nito ay tubig.

Ang budget nito para sa depensa ay $14.7 bilyon.

Kung sakaling may bansa na gagamit sa Canada para masakop ang Amerika, ay nariyan ang War Plan Red, isang comprehensive offensive strategy para hindi makapasok sa US sa pagdaan sa Canada.

North Korea

Ang North Korea ay mayroong 700,000 active personnel at 4.5 milyong reserve.

Mayroon itong 4,200 tangke, at 6,550 artillery, 458 na air fighter at 222 helicopter, 967 naval ship kasama na ang 70 submarines. At ang espesyal ay ang walong nuclear war head nito.

Noong 1950s, tinangka ng South Korea at Amerika na pabagsakin ang North Korea subalit hindi sila nagtagumpay. Dagdag pa dito ang tulong ng China sa NoKor.

Mas gusto umano ng mga bansa na mayroong interes sa NoKor at SoKor na manatili na lamang ang pagkakahati ng dalawa kaysa gumulo pa at kumalat ang kaguluhan sa ibang panig ng Asya.

Kahit na ang mga taga-Sokor ay natatakot na magkaroon ng One Korea dahil sa magiging mga komplikasyon nito.

United Kingdom

Ang United Kingdom ay mayroong 150,000 active personnel at 182,000 reserve. Ito ay may 407 tangke at 227 artillery. Mayroon silang 91 eruplanong pandigma at 397 helicopter. An g naval strength nito ay 76 kasama na ang 10 submarine at isang aircraft carrier.

Ang espesyal nilang armas ay ang 215 nuclear warheads.

Huling nasakop ang UK noong 1066. Kahit na si Hitler ay hindi nagtagumpay na kunin ang UK noong World War II.

Ang UK ay napaliligiran ng dalawang karagatan at ang maalon na North Sea kaya problema kung saan maglalanding ang magiisip na sumakop dito.

Moderno rin ang kanilang mga kagamitang pandigma at mayroon silang $55 bilyong defense budget na ikalima sa pinakamalaki sa mundo.

May inorder silang dalawang aircraft carrier na matatapos sa 2020 at 2022.

Russia

Ang Russia ay mayroong 766,000 active personnel at 2.4 milyong reserve. Sila ay may 15,400 tangke at 10,600 artillery, 751 air fighter at 1,750 helicopter. Mayroon silang 352 naval ship kasama na ang 60 submarine at isang aircraft carrier. At mayroon silang 7,300 nuclear warheads.

Napatunayan na ng panahon na hindi basta masasakop ang Russia. Nabigo ang mga Swedish noong 18th century, si Napoleon noong 1812, at ang mga Nazi noong World War II.

Problema rin sa mananakop ang temperatura sa Russia na umaabot sa -90 F at tumataas ng 113.7 F.

Nagagamit din ng Russia ang mga bundok nito upang pagtaguan ng military power.

Gumagastos na ito ng $66 bilyong annual defense fund upang mapanatili ang pinakamalaking fleet ng mga tangke sa mundo.

USA

Ang Amerika ay mayroong 1.4 milyong active personnel at 1.1 milyong reserve.

Mayroon itong 8,850 tangke, 3,300 artillery, 2,300 air fighter, 7,100 helicopter, at 415 naval ship kasama na sang 75 submarine at 19 na aircraft carrier. Ang kanilang nuclear warheads ay umaabot sa 7,100.

Maganda ang lokasyon ng Amerika dahil ang kanilang north at south border ay mahihinang bansa at ang nasa silangan at kanluran ay binabantayan ng mga isda.

Ang Amerika ay gumagastos ng $581 bilyon na onethird ng ginagastos ng buong mundo sa defense.

Tuwing mayroong gulo sa mundo, 9 sa 10 posibilidad ay sangkot dito ang Estados Unidos.

Mayroon itong daandaang base sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Maluwag din ang pag-aarmas sa mga sibilyan kaya kung ang mananakop ay nakalusot sa sundalo ang susunod nilang kabarilan ay ang publiko.

Mas marami pa ang baril kaysa sa mga tao. Sa bawat 100 Amerikano ay mayroong 112 baril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.