Forecast ng Pagasa, swak

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

DAPAT solusyunan ng Commission on Higher Education ang naging problema ng maraming magulang ng mga estudyante na kumuha ng entrance exam sa mga State University and Colleges at Local Universities and Colleges para sa Academic Year 2018-2019.

May mga SUC at LUC na na-late sa pagpapalabas ng resulta ng entrance exam.

Alam n’yo naman sa mga government-run schools, hindi kayang iaccommodate ang lahat ng gustong pumasok dahil sa limitadong resources kaya pagalingan.

Masisisi ba ang mga magulang at estudyante kung sumiksik sila sa eskuwelahan ng gobyerno e ipinapatupad na ang Free Tuition law. Sino ba naman ang ayaw sa libre, lalo at mahirap ang buhay?

Dahil nga hindi kaagad lumabas ang resulta ng ilang paaralan ng gobyerno, parang naiwan sa ere ang mga estudyante na naninimbang kung mage-enroll sa private schools sa takot na maubusan sila ng slot.

Ano nga naman ba ang gagawin nila kung hindi pala sila pumasa o umabot sa quota ng SUC at LUC tapos napagsarahan na sila sa mga pribadong paaralan?

Parang sinisilihan ang pwet ng mga estudyante, ika nga. At dagdag pa sa kanilang iniisip ay ang takot na tumigil sila ng isang taon.

Kung kukuha ka naman ng slot sa private schools, ibig sabihin ay k a i l a n g a n mo n a n g maglabas ng pera. Sayang naman kung pasado ka naman pala, napagastos ka na.

Dapat ay tingnan ng CHED kung paano maiiwasan ang mga ganitong problema.

Dahil hindi naman biro ang matrikula sa private universities, may mga magulang na ang tingin ay sa mga computer colleges na nagooffer ng mga course na may in-demand na trabaho.

Alam n’yo naman ang panahon ngayon lahat nalang yata ng trabaho may kinalaman sa computer.

Ka h i t nga ‘yung cooking course, ang gusto ng mga kumpanya may alam sa computer ang aplikante dahil kailangan daw ito sa inventory.

May mga local government unit na rin na pumapasok sa kasunduan sa mga computer colleges para kanilang mga scholar.

Mas mura ito kaysa magtayo ng eskuwelahan at magpasuweldo ng mga magtuturo.

Kahit naman sabihin na mas maliit ang mga colleges na ito kumpara sa mga universities eh nakikipagsabayan naman sa trabaho ang kanilang mga graduates lalo at hindi sila humihingi kaagad ng malaking suweldo.

Ami n i n , m e ro n g mga nagduda kung uulan ng malakas noong Lunes.

Linggo pa lang ay nagsuspinde na ng klase noong Lunes ang ilang lokal na pamahalaan batay sa pagtataya ng panahon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ang duda ng iba ay aaraw, gaya ng ilang suspensyon na ginawa sa nakaraan. Pero nagkamali sila, ang lakas ng ulan n o o n g Lu n e s . Tumpak ang forecast ng Pagasa.

D@iGITAL-EXPERIENCE (Daily Gospel in the Assimilated Life Experience)

In his Essay entitled “The Faculties of the Mind”, Jonathan Swift wrote: “Laws are like cob webs which may catch small flies but let wasps and hornets break through”. Swift’s maxim states the obvious. Laws can be harsh to the marginalized but permissive to the elite. President Ramon Magsaysay’s “those who have less in life should have more in law” was not said without basis.

If laws can be unjust, then we should not follow the law blindly. Jesus did not. He even defied some of them, such as the Sabbath Law. This is baffling. Why did he say (in today’s Gospel reading) that “As long as heaven and earth last, not the smallest letter or stroke of the Law will change until

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.