Bakbakan ng mga politiko

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Parang maging solid ang kanilang boto laban sa incumbent city mayor na target nilang mapatalsik sa city hall. Ang problema ay parehong ayaw paawat ng dalawa sa kanilang kampanya para maging alkalde ng kanilang minamahal na lungsod.

Si Mr. A ay dating mayor na gustong ireclaim ang kanyang upuan sa city hall.

Si Mr. M naman na opisyal ngayon ng isang sangay ng pamahalaan ay dating vice mayor na target rin ang pagiging mayor ng lungsod.

Ang problema ay parehong magmumula sa dalawang distrito ng lungsod ang kanilang mga magiging boto kaya kapag natuloy ang labanan nila ay tiyak na mahahati ang boto pabor sa nakaupong alkalde.

Sinabi ng kampo ni Mr. A na dapat ay tumakbo na lamang na kongresista si Mr. M dahilmasmalakas umano siyang contender sa pagka-mayor.

Na t u r a l na h i n d i pumayag si Mr. M dahil matagal na niyang ambisyon na maging city mayor.

Bakit nga naman hindi raw si Mr. A ang tumakbo sa pagkakongresista tutal naman daw ay naging mayor na rin ito ng mahabang panahon.

Yan ang problema ngayon ng kanilang mga handler dahil hindi magkasundo ang nasabing mga pulitiko kaya hindi pa nila mailatag nang husto ang mga plano para sa 2019 local elections.

Ang mga bidang pulitiko sa ating kwento ngayong araw ay sina Mr. A...as in Akong at Mr. M...as in Morning.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.