Babaerong ex

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

Dear Ateng:

Matagal na kaming hiwalay ng aking ex matapos naman siyang mambabae. After more than two years, nagtatangka siyang makipagugnayan sa akin. Hindi ko naman sinasagot ang tawag at text niya dahil feeling ko naman matagal na kong naka-move on at masaya ngayon kahit single. Tingin nyo po ba tama ang desisyon ko na hindi na siya kausapin. From Tricia ng Novaliches!

Tricia ....yung totoo? Apektado ka pa eh! Kasi kung hindi ka na apektado, e di sana tinuloy tuloy mo na pag dedma ke ex.

Pero tama yang ginagawa mo, kahit apektado ka pa, wag mo ipahalata. Tuloy tuloy mo lang syang idedma. Ang lagay tawag at text lang, feeling nya babalik ka na sa kanya?!

Syempre kung sincere sya, mag effort naman syang hanapin ka at puntahan ka, di ba?! Pero yamang ganyan lang effort nya, ay naku Teh, he is not worth it!

Tuloy tuloy ka ng maging masaya kesa mag take risk na magulo na naman ang buhay mo ng isang babaero. Kung nagbago na sya, e di good for him di ba? Kung hindi pa sya nagbabago, hayaan mong ibang babae naman mamrublema sa kanya! Har har har!

On the other hand, hindi natin alam bakit all of a sudden ay bigla na lang magpaparamdam ang matagal ng nahimlay (multo?!)

Baka naman nagbago na sya at naghahanap ng closure at forgiveness sa mga babaeng sinaktan nya.

Pwede rin sigurong magtanong tanong ka sa mga mutual friend nyo at makibalita bakit bigla ka nyang tinetext at tinatangkang tawagan.

Mararamdaman mo rin naman yan sa mga text nya sa yo. Kung feeling mo eh 'hinaharot' ka na naman, nagpapacute na naman sya at mukhang hindi naman closure ang gusto, dedma na Teh.

Pag naman mukhang 'malinis' naman mga messages nya, magtanong tanong ka pa muna sa mga mutual friends nyo nga.

Baka naman me ibang relasyon na sya, bored lang at umaandar na naman pagka palikero.

But as it is, wag mo sya bigyan ng reason para umasa na pwedeng maging kayo ulit o maging magka ibigan ulit. Mahirap na magulo ka na naman ng isang tulad nya na maraming alam at mahusay magpakilig.

Ateng Beth!

May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pagaaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.