ICE SEGUERRA KAY PIOLO: ‘SING-POGI, PERO DI SING-TANGKAD!’

Maine gagawa ba ng album sa Universal Records?

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY ERVIN SANTIAGO

MARAMING naaliw at nag-comment sa Instagramphoto na ipinost ni Ice Seguerra kung saan kasama niya ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.

Kuha ito sa studio ng Sunday musical show ng ABSCBN na ASAP at may caption na: "'Sing pogi pero di 'sing tangkad."

Narito ang ilang comments ng IG followers ni Ice.

"Okay lang yan pards!!! @iceseguerra kesa naman matangkad tapos di naman pogi!" sabi ni @alexrei1027.

Sey naman ni @dtsebastian. "Agree. Pogi ng idol ko....kasing bansot ng lablab ko hahah peace @iceseguerra @rheylhenomotsosirc! Oh idol natin hehe!" "Mas mataas pa rin ang tingin ko sayo Idol! You’re the man!" komento ni @rrformanes. "Kahit dika po tngkad @iceseguerraperopogi kpo para saamin kya nga Lodi kita ehh!" ang chika ni @yhang.jga. Samantala, bago ang nasabing IG postn i Ice, isangquitecardmuna ang ibinahagi niya sa netizens na may mensaheng, "Na pag kamalan ka na bang tomboy?" at may caption na, "Parati. Kasawa na." Ilang beses na kasing sinabi ng asawa ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino na hindi siya tibo, isa siyang transgender man. “I am a TRANSGENDER MAN. Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun," ang paliwanag ni Ice.

May ilang followers si Ice na sumagot sa kanyang tanong. Sey ni @bherubs, "Yes po @iceseguerra napagkalaman na akong tomboy dahil madalas ako naka rubber shoes."

Comment ni @arnee_fhel, "Me too. Hahahaha lalo na nung may sinapak ako dahil inaway kapatid ko."

"Oo idol, sabi ko nga dba pd choice lang. 32 na kc ako and until now single parin. nkakasura na nga minsan. nauudyukan na anu dawba talga gusto ko. bwahahaha. mga pasaway na kaibigan," sey naman ni @rhogzseyer04.

Gagawa nga ba ng album ang Dubsmash Queennasi Maine Mendoza under Universal Records? Ito ang tanong ng kanyang mga fans and social media followers matapos mag-viral ang hashtag #MaineForUniversalRecords.

Naging top trending topic sa Twitter Philippines ang nasabing issuewith the said hashtag. Libu-libong tweet and retweets na ang nakukuha ng #MaineForUniversalRecords kaya naman mas lalong na-excite ang loyal fans nina Meng at Alden Richards.

Nagsimula ito sa Twitter account ng Universal Records kung saan nakapost ang isang babaeng nakatalikod na nakasuot ng denim jacket na may nakasulat na "Universal." May mga netizens ang nagsabi na baka raw si Maine na ito at nakatakda na ngang gumawa ng proyekto sa nasabing recording company.

Ngunit may ilan naman ang nagkomento na baka si Claudia Barretto ang nakatalikod na girl dahil ang dalaga ang nasa header ng Facebook page ng Universal Records.

Nagsimula nang gumiling ang mga camera para sa pelikulang pagsasamahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo. Nasa Vancouver, Canada ang buong production para kunan ang mahahalagang eksena sa movie.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Aga ng photo kung saan makikita silang magkasama ni Bea sa kanilang first shootingday sa Canadanamay caption na: "Exciting times!"

Wala pang title ang nasabing movie na ididirek ni Paul Soriano pero ang hashtag na ginagamit nina Aga at Bea sa kanilang mga litrato sa Canada ay #NickandAli kaya malamang baka ito na rin ang maging titulo ng nabanggit na pelikula.

MAIINE MENDOZA

PIIOLO PASCUAL AT IICE SEGUERRA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.