Tisay na female celeb muntik mabiktima

Angel napilitang kumanta sa harap ng co-stars

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ - ANGEL LOCS II N

SA ginanap na grand opening ng Skin & Beyond by Beautederm sa Butuan City last Sunday, ay tinutukso si Ria Atayde kay Ford Valencia na ka-loveteam niya sa Wansapan a t a ym Presents: Ofishially Yours.

Nakikinig pala ang daddy ni Ria na si Art Atayde at sabay tanong kung sino ‘yun. Sinabi namin na miyembro ng Boyband PH si Ford pero kumunot ang noo nito. Mahigpit kasi si Papa Art sa mga anak niyang babae.

Anyway, ang katwiran ni Ria ay parang ate na siya ng Boyband Ph members dahil mas matanda siya sa mga ito at mga nakababatang kapatid lang din ang turing niya sa mga ito.

“But they’re all nice and makukulit,” paglalarawan ng aktres sa limang members ng grupo.

Hiniritan ulit namin ang dalaga kay Ford na sinagot naman ni Ria ng, “Tita, loveteam kami!”

Maraming supporters ang loveteam nina Ford at Ria ha, talagang kinakarir nila ang pagtu-tweet kapag may eksena silang dalawa.

Anyway, marami pang kilig scenes na mapapanood sa Wansapanataym Presents: Ofishially Yours tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Hangga’t hindi pa umaamin pareho ang aktor at aktres na ito sa tunay nilang relasyon ay libre pa ring nakakapambabae ang lalaki.

Sitsit ng aming source, nanligaw pala ang aktor sa isang tisay na aktres pero hindi siya nakapasa dahil kilala pala ng girl kung sino talaga ang kanyang girlfriend.

Aware sa showbiz na pinatulan ni aktor ang aktres na may gusto sa kanya na talagang lapit nang lapit sa kanya, “Palay na ang lumalapit samanok, e, hindi pa ba niya tutukain?” say ng aming source. Pero butata naman siya sa tisay na aktres. Kaya nag-iisip siya ngayon ng paraan kung paano niya mapapaoo at kung paano siya mas mapapalapit pa sa dalaga. Ang aktres naman na tunay na karelasyon ng aktor ay mukhang lumalapad ngayon. Maramiangnakakapansinna malakas itong kumain lalo na kapag nasa taping. “Ang lapad na niya, ang laki ng balakang. Hindi na yata nakakapag-exkanyang ercise,” sabi naman ng isang taga-production na nakatsika namin. Baka naman idinadaan na lang ni aktres sa pagkain kapag nahuhuli niyang nambababae ang boyfriend niyang aktor? Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata tungkol sa magkarelasyong ito.

Nagkaroon ng team building ang buong cast and crew ng upcoming Kapamilya serye na The General’s Daughter sa Tagaytay City nitong Sabado, at balita namin ay sobrang enjoy ang lahat sa games na ginawanila. Walang killjoy sa grupo dahil game na game ang lahat at nagkasundo agad kaya super happy din daw ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal at ang staff.

Maraming bumilib sa bidang TheGeneral’sDaughter na si Angel Locsin dahil sobrang down to earth ang aktresatkahitsaanmodalhin ay talagang kakaririn niya ito – sports, acting, pati na rin ang pagkanta.

Ang alam namin ay ayaw ni Angel ang kumakanta’t sumasayaw pero siguro naisip niyang kailangan ito sa trabaho niya lalo na kapag may promo at nahilin- gan siyang kumanta.

Ipinost ni Albert MartinezangkuhaniyakayAngel sakanyangInstagramaccount na may caption na, “The Generals Daughter. togetheragain #angellocsin#thegeneralsdaughter #dreamscape.”

KinantaniAngelangawiting "Torete" (ng Moonstar 88) na binigyan naman ng kakaibang areglo ni Moira dela Torre na ginamit namang soundtrack sa pelikulang "Love You To The Stars And Back" nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Si Angel ang gaganap na General’s daughter at si Albert naman ang tatay niyang Heneral.

Kung tama ang sitsit ng aming source ay sa Setyembre na ito eere kapalit ng FPJ’sAng Probinsyano ni Coco Martin.

FORD VALENCIIA AT RIIA ATAYDE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.