Cassy, Mavy may sorpresa kay Zoren sa Father’s Day

Maris bida sa life story ng ‘Titibo-tibo’ composer

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ -

SA kauna-unahang pagkakataon, magkakasamang bibisita sa bahay ni Regine Velasquez ang mag-aamang Zoren Legaspi, Mavy at Cassy.

Isang masaya at inspiring episode na naman ang inyong mapapanood ngayong Saturdaymorning sa favoriteweekly tambayan ng mga Pinoy, ang Sarap Diva kasama ang Legaspi family. For the first time, Zoren and Carmina Villaroel’s twinswill appear on TV for an interview with the one and only Asia’s Songbird.

Alamin kung ano ang masasabi nina Mavy at Cassy tungkol sa "pagtatrabaho" nila sa murang edad at kung magkano na ba ang kanilang savings ngayon bilang mga teenager. Siyempre, may ibubuking din ang kambal tungkol sa kanilang celebrity parents.

After a fun chat, Zoren joins his twins to celebrate Father's Day. May inihanda siyempreng sorpresa ang twins para kanilang Tatay.

And Ate Regine has a few surprises up her sleeve as well. The twins and their dad show just how much they love and annoy each other.

Before the day ends, Tatay Zoren prepares a kid-friendly and dad-approved merienda – ang napakasarap na Fried Champorado Balls na siguradong magugustuhan ng buong pamilya.

Lahat ‘yan ay mapapanood na ngayong Sabado ng umaga sa Father’s Day celebration ng Sarap Diva bago mag- Eat Bulaga sa GMA 7.

Maraminangnakikantasa hit song na “Titibo-tibo” na pinasikat ni Moira dela Torre, pero ano ba talaga ang kwento sa likod ng Himig Handogwinning song na ito?

Alamin ang kwento ng composer ng naturang kanta na si Libertine “Tin” Amistoso, na bibigyang-buhay ni Maris Racal, ngayong Sabado sa MaalaalaMo Kaya.

Bago pa man maging ganap na dalaga ay lesbian na ang pagkakakilala ni Tin sa kanyang sarili dahil sa pagkakagusto niya sa kapwa-babae. Naranasan na niyang makipagrelasyon sa iba’t ibang babae, hanggang sa nakilala niya ang unang nobyo na si Andrew ( Neil Coleta) nang siya ay 18 taong gulang.

Apat na taon ding nagtagal ang kanilang pagsasama. Pagkatapos nito ay nagpasya si Tin na huwag muna pumasok sa anumang relasyon.

Ngunit, tila kakainin niya agad ang kanyang sinabi dahil dumating sa buhay niya ang mahangin at chick boy na si Boom ( Jameson Blake). Siya na ba ang lalaking nagpatibok sa pusong titibo-tibo ni Tin?

Kasama rin sa episode na ito sinaMutya Orquia, Sonjia Mejia, Mica Javier, Chienna Filomeno, Rochelle Barameda, Mitoy Yonting, Jimboy Martin at Pamu Pamurada.

Ito’y sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Mae Rose Balanay. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna. Panoorin ang longest-running drama anthologysaAsya,angMMK,tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.