Eid Mubarak!

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

HOLIDAY ngayon dahil sa bisa ng Proclamation 514. Alam mo ba kung bakit?

Ngayong araw ay Eid’l Fitr, batay sa rekomen- ng National Commission on Muslim Filipinos.

Ayon sa Al Jazeera, ang Eid’l Fitr, minsan ay Eid al-Fitr, ay ang pista ng mga Muslim sa pagtatapos ng buwan ng pagaayunong Ramadan. Ang kanilang fasting ay nangangahulugan na hindi pagkain kapag may araw. Kaya kadalasang gumigising ang mga Muslim nang madaling araw para makakain bago sumikat ang araw.

Walang eksaktong petsa ang pagdiriwang na ito; nakadepende ito sa hugis ng buwan kaya nakadepende rin ito sa lokasyon o kinaroroonan ng isang Muslim.

Happy Eid!

Ang Edi’l Fitr ay nadasyon ngangahulugan ng "Festival of breaking the fast."

Ayon sa tradisyon, ang Eid’l ay sinisimulan ng dasal na susundan ng maikling sermon.

May mga Muslim na isinasagawa ang pagdarasal sa labas ng kanilang bahay, meron naman na sa mosque o malaking hall.

Matapos ang pagdarasal ay babatiin nila ang isa’t isa ng Happy Eid.

Mayroon ding mga bumibisita sa kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay. Ang ilan ay pumupunta pa sa mga sementeryo para ipagdasal ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Greetings

Ang popular na pagbati sa araw na ito ay Eid mubarak (Blessed Eid) o Eid sa'id (Happy Eid).

Ang pagbati ng Eid ay depende sa bansa at lenghuwahe. Sa Indonesia halimbawa ang Eid ay tinatawag na Lebaran, kaya ang maririnig na pagbati sa Indonesia ay "Selamat Lebaran" na ang ibig sabihin ay Happy Eid.

Sa Turkey ang Happy Eid ay “Mutlu Bayramlar” at “Barka da Sallah” naman sa salitang Hausa ng Nigeria.

Costume

May mga Muslim na nagsusuot ng tradisyonal na damit at ang iba naman ay ang bagong damit ang isinusuot.

May mga namimigay ng regalo at pera sa mga bata. Ang ilan naman ay nagbibigay ng tulong sa kawang-gawa.

May mga Muslim countries naman na ang tawag sa pagdiriwang na ito ay Sweet Eid dahil sa iba’t ibang matamis na ipinamimigay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.