ACTION STAR NA: ALDEN DINUNGISAN, PINAHIRAPAN AGAD SA UNANG TAPING NG VICTOR MAGTANGGOL

Dingdong, Marian may binabalik-balikan sa Palawan

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ - BY JUN NARDO

DINUMIHAN at dinungisan si Alden Richards sa upcoming series niyang Victor Magtanggol.

Kumawala muna ang Pambansang Bae sa magagarang kasuotan at glossy locations dahil sa behind the scenes pictures na ipinadala ng GMA Network sa isang taping ng aktor, kinunan ang eksena niya sa loob ng palengke, huh!

Relax na relax naman si Alden sa ibabaw ng mesa habang waiting ng take suot ang simpleng T-shirt at maong shorts. Keber niya kung mainit sa loob ng palengke at umaalingasaw ang amoy ng karne ng baboy sa paligid.

Eh, bakbakan ang mga eksena kaya sa pictures, nariyang lumambitin sa bakal si Alden habang nakikipaglaban sa mga kaaway. Yes, umaaksyon na ngayon ang Pambansang Bae na tinagurian din ng kanyang mga fans na Drama Prince!

Welcome sight sa fans at nagmamahal kay Alden ang rugged and dirty look niya sa VM. Maninibago sila siyempre matapos siyang mapanood doing roles na madalas ay papogi ang hitsura niya.

Ganyan kamahal ni Alden ang kanyang trabaho, lalo na ang bagong role niya ngayon kaya isinasapuso niya ang character niya mula ulo hanggang paa!

Magpapakaligayang muli sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Palawan dahil du’n nila ise-celebrate ang Father’s Day. Para kay Dong, the best sa kanilang magasawa ang Palawan.

“Para sa aming dalawa, very significant ang Palawan, dahil nag-Dyesebel siya roon. So ang dami naming activities together doon na gusto naming binabalik-balikan,” pahayag ni Dong sa media launch ng ihu-host niyang programa na Amazing Earth.

Doon na kaya mabubuo ang kanilang second baby?

“Ha! Ha! Ha!” bulalas niya. “Sana, sana! Ha! Ha! Ha!” dagdag ng Primetime King.

Bukod sa Amazing Earth, pupunta siya sa Singapore sa June 24 para sa seleilippine brasyon ng Philippine Independence Day. Inaayos na rin daw ang next teleserye niya na mapapanood na rin ngayong taon.

Pagdating sa pelikula after ter ng blockbust na "Sid & Aya (Not A Love Story)" nila ni Anne Curtis, may dalawang projects na raw na in-offer at ipinresent sa kanya. Kasama ba rito ang pelikulang pagsasamahan dawnila ni ViceGanda para sa 2018 Metro Manila Film Festival?

“Wala pa pong binibigay na detalye about that pero nabalitaan ko nga. Wow! That would be very nice pero with regards kung ano ang totoong mangyayari at kung

ano ang proyekto, wala pa naman talagang kumakausap sa akin about that,” paliwang ni Dong.

Anyway, sa Amazing Earth, natutunan niyang bigyan ng respeto ang mga tao, hayop at kalikasan at ang planeta. Mapapanood ito sa June 17 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

IILANG EKSENA NII ALDEN RIICHARDS SA TAPIING NG VIICTOR MAGTANGGOL

MARIIAN RIIVERA,, DIINGDONG DANTES AT ZIIA DANTES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.