Coco naging susi sa muling pag-ariba ng mga Pinoy action films

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Din kasi ng Bae na mahigwa niya noon a niyang conrt na "Upsurge," huh! Siyempre, bukod s a conc e r t , hands on din si Alden sa bago niyang fantasy-actiondventure ses na na mapabuwang ito. g na rin ng lawa sa mga niyang Kapu‘yan ay undi sina at COCO MART

gol VM, Victor Jaez Andrea "SECRET!" Ito ang paulit-ulit na sagot ni Arjo Atayde sa tanong kung ano ang role niya sa pelikulang "BuyBust" na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Brandon Vera.

"Special participation" ang billing ng magaling na aktor sa movie na ngayon lang pala nagkaroon ng kanyang matatawag na fulllength movie kaya't sobra ang pasasalamat niya kay direk Erik Matti.

After this ay umaasa siArjo na magkakaroon na rin siya ng aktibong movie career.

Two years in the making ang nasabing action flick na grabeng ipinagmamalaki ng lahat ng cast members, lalo na ni Anne na hindi lang basta deglamorized sa movie kundi sumabak pa sa matitinding aksyon. Laking pasasalamat naman ni Jolo Revilla kay CocoMartin sa tila unti-unting pagtangkilik uli ng mga Pinoy viewers sa mga action projects. Since maging consistent toprater ang FPJ’s Ang Probinsyano, marami na rin ang naengganyong bumalik sa paggawa ng maaaksyong pelikula. Bukod sa malapit nang ipalabas na "BuyBust", pinag-uusapan din ang"WeWillNotDie Tonight" ni Erich Gonzales na kasali sa Pista Ng Pelikulang Pilipino at nasa post production na rin ang "TRES" ng Imus Production.

Bibida rito ang magkakapatid na Jolo, Luigi at Bryan Revilla kasama si Rhian Ramos.

Bubusisiin daw nina Jolo ang mga sangkap na kailangan para umangat ang tatak-Revilla na kilala nga sa mga action movies, kabilang na riyan ang kanilang lolo at amang sina Ramon Revilla, Sr. at Bong Revilla.

With this project, umaasa ang Bise-Gobernador ng Cavite na makakatulong sila sa muling pagsigla ng action movies sa bansa.

Speaking of Jolo, hindi na raw ito magugulat kung habang nalalapit ang promosyon ng kanilang pelikulang "TRES", ay lumabas ang mga sari-saring tsika tungkol sa kanila ni Rhian Ramos.

Matapos kasing aminin ni Rhian na nag-break na sila ng kanyang non-showbiz BF, may mga tsismis na umano'y tila nagkakamabutihan na sila ni Jolo.

Na kesyo magka-date raw sila sa isang firing range at iba pang events na wala namang koneksyon sa kanilang movie. But then again, ayaw itong patulan ni Jolo at sinasabi lang niyang isang mabuting katrabaho si Rhian na naging kaibigan na rin niya.

Consistent pa rin naman si Jolo sa pagsasabing kahit naghiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria ay magkaibigan pa rin sila at may pagmamahal pa rin sa kanilang mga puso. Sabi nga niya sa isang panayam, "I still love her!"

Sana raw ay yung ganda ng project ang pag-usapan at hindi yung mga personal nilang buhay dahil after all, kapag naging successful ito ay mas maraming tao ang mabibigyan ng trabaho. Tama naman, di ba?

Tungkol naman sa kanyang amang si dating Sen. Bong Revilla, ayaw na muna niyang pagusapan ang mga kasong kinasasangkutan nito.

“I don’t want to talk about his case so much, pero ako ay nagpapasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta para sa kanya, at nagdarasal para sa pamilya niya," sabi ni Jolo sa isang panayam.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagdarasal para sa paglaya ni Sen. Bong at buong pamilya raw nila ang umaasa na makakalaya rin ang kanyang tatay na ilang taon nang nakapiit sa Camp Crame.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.