Joshua bibigyan ng diamond si Julia: Siya kasi ang pinakamahal ko!

Bandera (Mindanao) - - Front Page -

❏❏❏

Joshua Garcia is not the type of guy who will make public the real status of his relationship with his Ngayon At Kailanman leading lady Julia Barretto.

“Masasabi kong wala talagang nagbago. Inaalagaan pa rin namin ang isa’t isa. Mahal pa rin naming ang isa’t isa,” came his reply when asked kung gnasaan level na sila ni Julia.

Bilang anak ng isang pamilyang nabubuhay sa pagbebenta ng alahas sa Ngayon At Kailanman, natanong si Joshua kung may nakita na siyang perfect na jewelry for Julia.

“Actually, ang dami kong nakitang alahas. One time, nag-shoot kami sa vault, talagang totoong mga alahas pala ‘yung nakalagay worth one million. Grabe, set up lang ‘yun ah.

“Hindi kasi ako marunong tumingin ng magandang alahas. Siguro kung may ibibigay ako kay Julia isasama ko ang ate ko. ‘Yung mga design ng alahas, medyol weird siyang tingnan pero makikita mong art siya. Kaya lang, ibaibang trip ng mga babae,” say niya.

So, ano ang ibibigay niya kay Julia? “Diamond,” he immediately quipped. “Doon tayo sa diamond. Eh, siya ‘yung pinakamahal ko, eh,” paliwanag ng aktor.

Naku, tiyak na maraming kikiliging JoshLia fans sa kanyang sagot. Wanna bet?

Mas lalo silang kikiligin dahil Inno (Joshua) asked Eva (Julia) to be his date sa Ngayon At Kailanman.

LEA SALONGA ISABEL RIVAS JED MADELA JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.