Mag-asawa pinagtataga sa Iloilo, tigok

Bandera (Mindanao) - - News - Roson

NASAWI ang 62-anyos na lalaki at kanyang asawa nang pagtatagain ng mga di pa kilalang salarin sa kanilang bahay sa Alimodian, Iloilo, Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang mga biktima bilang sina Mamerto Camral at misis niyang si Emma, 63, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Naganap ang insidente alas-8, sa bahay ng mag-asawa, sa Brgy. Umingan.

Pinasok ng mga di kilalang tao ang bahay, at pinagtataga ang magasawa sa ulo't iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibongmga salarin.—John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.