2 snatcher dedbol

Bandera (Mindanao) - - News -

PATAY ang dalawa umanong snatcher na nambiktima ng babae sa QuezonCity,kamakalawa

ng gabi. Hindi pa batid ng pulisya ang pangalan ng mga suspek. Ayon sa biktima na si Marilyn Gonzales, pauwi na siya alas-9 ng gabi at naghihintay ng masasakyan nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo..Nang tumanggi na ibigay ang kanyang bag ay tinutukan siya ng baril ng isa sa mga ito. Napaluhod ang biktima sa takot..May nagpapatrolyang pulis sa lugar at dito nakahingi ng tulong ang biktima..Nanlaban umano ang mga suspek kaya napatay ang mga ito. Nakuha sa kanila ang

dalawang revolver.— Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.