Survey sa katinuan ng isip ni Robredo fake news—SWS

Bandera (Mindanao) - - News -

ng Social Weather Station na may ginawa itong survey na nagsasabi na 45 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na mayroong mental problem si Vice President Leni Robredo.

Kinondena ng SWS ang pagpapakalat umano ng maling impormasyon na mayroong malisyosong layunin.

“(T)he public is hereby informed that SWS has not conducted any survey related to the state of mental health of any public official or person. SWS strongly condemns the spread of misinformation with malicious intent,” saad ng pahayag ng SWS.

Ang naturang survey aynai-postsa http://www.dailyreader.online/2018/10/45-ngmga-filipino-naniniwalang-may.html

Nakasaad dito na ginawa ang survey noong Setyembre 15-23. Nagsabi umano ang 45 porsyento na mayroong mental problem si Robredo, 26 porsyento ang hindi naniniwala at 29 porsyento ang undecided.

“The public is enjoined to rely only on the SWS website, at www.sws.org.ph, for SWS survey reports released to the public,” saad ng SWS.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.