Roque di pa nagre-resign...

Bandera (Mindanao) - - News -

ITINANGGI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbitiw na siya sa pwesto.

"People: I have not resigned. Thanks!" Ani Roque sa text message sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps.

Aniya, naka-leave lamang siya simula kahapon para sa isang biyahe sa China. Nakatakda siyang bumalik ng bansa sa Lunes.

Kasabay nito, itinanggi ni Roque ang pahayag ng Kabayan partylist na hinihingi niya ang nominasyon ng dating partylist kung saan siya dating naging kinatawan.

"Absolutely false," giit ni Roque.

Kahapon ay naglabas ng kalatas ang Kabayan na sinabing tinanggihan nito ang alok ni Roque na maging nominee muli ng kanyang partido na siyang dahilan kaya siya ay nakaupo sa Kamara de Representantes.

Nagpadala umano ng feelers si Roque sa isang miyembro ng Board.

“Unfortunately, Mr. Roque is no longer a member of KABAYAN Partylist as he was removed in January 2017,” saad ng Kabayan. “We are quite pleased that Mr. Roque considers the value of KABAYAN Partylist, even at this very late hour.”

Dagdag ng opisyal, wala pa siyang desisyon kung tatakbo bilang senador.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na itatalaga niya si Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo bilang bagong Press Secretary.

Kinumpirma naman ni Panelo na papalitan niya si Roque bilang presidential spokesperson.

Tumanggi namang magkomento si Roque sa pahayag ni Panelo.

"I will defer any comment until Monday since I am in China," sabi niya. —Bella Cariaso, Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.