Abby Binay desperado—Junjun

Bandera (Mindanao) - - News -

TINAWAG na desperada ni dating Makati mayor Junjun Binay ang kanyang kapatid at kasalukuyang alkalde ng siyudad na si Abby Binay matapos siyang payuhan nito na ayusin muna ang mga kaso bago tumakbo sa eleksyon sa 2019.

“It’s a sign of desperation. Wala naman akong dahilan para hindi tumakbo. Hindi pa final and executory ‘yung mga cases. In fact, ‘yung isa na-reverse na,” ani Junjun.

Sinamahan ni Junjun Binay ang kanyang kapatid na si Sen. Nancy Binay, na naghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections para tumakbong muli sa Senado.

“Hindi pa kami umaabot sa Supreme Court. Why would she say that? Parang ito na lang ‘yung way para manalo ang kapatid ko, na hindi ako tumakbo?” dagdag ni JunJun.

Sinabi ng kanyang abogado na si dating Comelec chair Sixto Brillantes na maaari pa ring makatakbo si Junjun sa kabila ng mga kinakaharap na mga kaso noong siya ay mayor pa ng Makati.

“Hindi pa final, so walang ground for disqualification. Ganoon lang kadali ‘yun," giit ni Brillantes.

Inamin naman ni Junjun na hinihintay pa nila ang kanilang mga magulang na sina dating Vice President Jejomar Binay at Elenita na makabalik sa bansa para maayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa ni Abby.

Nasa Italy ang kanilang mga magulang para sa isang pilgrimage at nakatakdang bumalik ngayong weekend.— Inquierer.net, Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.